Linggo, Marso 31, 2013

SULIRANIN AT ISYUNG PAMPOPULASYON AT PANG KALUSUGAN



Ang buong kabuoang sukat ng Barangay Sitio Taguete Antipolo City ay humig kumulang  32,419sqm.at ang sukat ng buong coverd court ay 1,737sqm. mahalagang salik-sikin  ang pag unlad  ng populasyon kaya dapat  matupad ang sustenableng bilang nito.At ang pang kalahatang  kapakanan  ng buong mamamayan ng Sitio Taguete.

Ang pag babago sa  populasyon.

      Dahil sa pag unlad ng modernong teknolohiya ay na kalikha ng ng ibat-ibang paraan  ng pag kontrol  sa populasyon. Nakalikha ng  rin ng mga bakuna laban sa ibat-ibang klase ng sakit na paunlad din ang  pang kalahatang  sistema  ng medikal  at pang publikong kalusugan.

     Tinitiyak ng buong barangay ng Sitio Taguete at ng mag mamamayan nito ang kalusugan ng bawat mamamyan.tinitiyak din ng buong sitio Taguete  ay may sapat na edukasyon at wastong nutrisyon ,maasyos na trabaho ang bawat mamamyan  at tahanan. at ligtas na komunidad at regular na serbisyong  pang kalusugan.

     Batay sa isinagawang surbey ang antas ng kalidad ng buhay o (quantity) sa life expectancy 85% para sa kababaihan ang itinatagal ng kayang buhay at ang itinatagal naman  ng kalalakihan ay mahigit 80% ang itinatagal.

          Pamamahala ng buong Sitio Taguete sa populasyon.

Masalimuot na usapin ang ang pamamalakad ng buong sitio tanod sa usaping pang pamamahala ng wastong pamamaraan  sa pag sasakatuparan  nito.

       Batay sa population  Growth and Economic Development ng Sitio Taguete.

      pag hihimok sa mamamayan na mas mabuti ang may maliit na pamilya ng buong sitio taguete upang  matustusan ang pangangangailangan  sa antas ng edukasyon at pang aanunsiyo.

       Pag sisimula at pag papaplano  ng pamilya at pamamahagi ng contrceptive sa buong Sitio Taguete
 at kinakailangan  ang buong pangkat  ng pamilya at ng mga anak ay may sapat na edukasyon at                        serbisyong pang pinansyal.
     
      Pag kakaroon ng limitadong pag papaplano ng pamilya  at ang mga kasapi nito.at ang agwad ng pangnganganak ay may sapat na taon upang manumbalik ang dating lakas ng ina.humigit tatlong taon ang agwat ng panganganak.




 

Biyernes, Marso 29, 2013

ALYAS ''TOTO''


      "Toto"                                                                                                                                                                

             
              Lingid sa kaalaman ng marami.Isang sinto sinto at puro bahid ng tato ang katawan at kung ano ano ang nakalagay meron mga hikaw at butas .Tad tad din ng paso sa katawan gawa ng sigarilyo yan si Toto.
nag sasalita ng mag isa at mahilig tumawa kahit walanaman talagang na kakatawa.mahilig manigarliyo at mag tanong sa mga walang kakwentang kwentang bagay.Pero para sa aking kaalaman marami syang tanong na hindi nya mailabas mga bagay na nais gawin. Pero kilalang baliw sya sa amin ngunit kahit hindi mo man sya makausap ng seryoso ma hahalata  sa kanyang mga mata  kung papaano ang hirap ang mag isa mga taong walang tiwala sa kanya at yung iba walang ginawa kundi laitin  siya  minsan ko nasyang na tanong  ng una  iba ang mga isinasagot nya pero ng maging seryo ang aming pag uusap madadama mo na may itinatagong  lihim mga sakit  at hirap na nais nyang ilabas sa aking pananaw matalinong bata si toto nais lang nya ng makakausap at nga taong aalay sa kanya. Minsan parang na huhuli namin na trip lang nya lang gawin iyon mga bagay na hindi maipaliwanag.minsan na syang na dala sa ospital para sa mga tulad nya may sakit sa pag iisip. nakalabas din siya  dahil kahit papaano ay nag titino kayat' inuwi nalang siya sa kanyang pamilya. Ngunit para sa akin hindi kaya ayaw nya lang responsibilidad o takot na syang mag bago dahil na kaugalian na ang tingin sa kanyang sarili.at ng ibang tao.

Miyerkules, Marso 27, 2013

IMBAKAN NG TUBIG


Tangke

Ang tangke ng Sitio taguete  sa totoo lang yan ang pangunahing kailangan ng aming barangay at imbakan ng tubig  para sa buong barangay nakakatulong ito sa mga sakuna  tulad ng sunog sa mga kabahayan  lalong laluna kapag nawalan ng tubig ang mga residente.Ngunit ganito na ang isura ng tangke abanduna,puro dumi ang nasa loob at ginawanang palaruan ng mga bata.Hindi lang yan sa totoo lang napaka delikado na ang tangkeng ito lalong lalu na sa mga bata.Halos balikuna ang mga pundasyon ng mga bakal  puro kalawang narin ito.Ngunit kung muling isasayos ang tangkeng imbakan ng tubig para sa aming komunidad malaking tulong ang maiaambag  ng tangkeng ito sa aming barangay hinding hindi pag sisisihan ang lahat dahil ang tangkeng ito ay syang kinakailangan sa likod ng mga sigalot  na aming kakaharapin.

DALUYAN NG MGA TUBIG KANAL



Kanal

Noon ay mainam na nag karoon ng kanal sa aming  komunidad.Upang mag karoon ng daluyan ng mga tubig sa mga nang gagaling  sa mga  kabahayan.Dahil sa tulong ng kanal na itodito rin dumadaloy ang tubig na naiistak sa mga kalsada na ng gagaling sa ulan bahain kasi ang aming lugar noon. Nang tumagal ang kanal  ay ginawa na itong tapunan ng mga basura ng mga walang respetong residente. Ngayon ang itsura ng kanal ng aming barangay ay tadtad ng mga basura mga balat ng pinag kainan at mga tuyong dahon meron ding mga patay na daga.Halos hidi narin dumadaloy ang mga tubig sa kanal naiimbak at tinitirahan na ng mga insekto.kayat' marahil maraming nag kakasakit dahil sa maruming paligid.Ngunit sa tulong ng mga barangay at mga officer ng Sitio taguite ay unti-unti na nagbago ang kanal maayos na ito at sa tulong ng mga taong tagarito tulong tulong na maisaayos ang aming komunidad may mga nag wawalis at meron naring mga lagayan ng mga kalat sa umaga mayn mga nakatokang barangay para sa pag lilinis ng mga kanal.ngunit meron paring mga taong walang pakialam at walang respeto sa kapaligiran 

Martes, Marso 26, 2013

KALSADA



KALSADA
                                                                                                                                                             
   Ang ikinaganda ng aming barangay ay tahimik at maaliwalas ang mga kalsada at daanan.Aktibo ang bawat mamamayan na linisin ang kanikanilang  nasasakupan.Sementado ang buong lugar ng Sitio taguite kayat marahil marami ding  mga  batang  nag bibisekleta  at mag gumagamit ng motor,sasakyan at maramipang iba.
Sa tulong  ng pamahalaan  hindi na hirap ang mga mamamayan  ng Sitio taguite sa tuwing tag ulan . Noong araw kasi ay halos mag tampisaw sa putik ang mga tao ng hindi pa ito na isesemento. Bulong bulungan pa ng iba kung may mga bagong mamahala sa aming lungsod ay gagawing HI-WAYang aming lugar .marahil ay sang ayon ang iba ngunit ang ikinababahala ng aming komunidad ay marming bata at makitid para sa mga malalaking sasakyan .Ididimolis din ang ibang kabahayan ng Sitio taguite.ngunit teorya lamang ito at wala pang kasi guraduhan.

TINDAHAN



            MGA TINDAHAN

          Isa sa mga  pangunahing tinitinda rito  sa aming barangay  ay ibat'ibang klasi ng lutong ulam mga inihaw  at samutsaring  paninda tulad ng titserya,halo-halo gulaman at mga kinakailangang rekado para sa pag luluto. Tampok din dyan ang mga iligal na produkto. Karamihan ang mga ganitong hanap buhay ng mga tao ay yaong pag titinda ay syang  bumubuhay  at pinag huhugutan ng pang tustos sa kanilang  pang araw araw na buhay. At karamihan ang mga nag hahanap buhay sa ganitong  situasyon ay walang katagalan hindi dahil sa walang bumibili dahil narin sa walang angkop na mapuwestohan ang mga nag titinda kayat sa tapat ng kalsada o dikaya nag susumiksik sa gilid ng covert court ng taguete meron pang hinihingian ng buwis para sa puwestong kanilang nirerentahan.

BAHAY NG DIYOS


 
       
SIMBAHAN
           

          Matagal  na panahon  narin ang dumaan.Ang pag sasaayos ng simbahan ito.Binago ang posisyon ng simbahan kung kayat' ating mapupuntahan bakas pa ang haligi ng pinagtayuan ng dating simbahan.Hindi matapostapos ang pag gawa rito at wala ring pari na nag tuturo ng aral ng Diyos sa tuwing linggo atnagagamit lamang ito sa mga mahahalagang okasyon  tulad nalamang ng piesta at kasalang bayan.dahil narin sa tulong ng simbahang  ito dito narin isinasagawa  ang burulan para sa mga taong nakatira dito sa taguite.ang masaklap dahil ang simbahan na ito ay matagal na abanduna ginawa na itong palaruan ng mga bata.at sa gabi kuta ng mga batikang adik ang bahay ng Diyos.